Home Headlines Dahil sa rice importation: Magsasaka lumipat sa livestock

Dahil sa rice importation: Magsasaka lumipat sa livestock

1347
0
SHARE

Ang dating water impounding area ng sakahan na ngayon ay isa nang tilapyaan. Mga Kuha ni Rommel Ramos


SAN MIGUEL, Bulacan — Dahil sa bagsak npresyo ng palay mula nang ipatupad ang Rice Tariffication Law, tumigil na sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka dito at lumipat na sa livestock.

Si Simeon Sioson, tagapangulo ng isang farmers’ cooperative, ay nagsimula nang mag-alaga ng tilapia sa halip na magtanim ng palay sa kanyang bukirin sa Barangay Lambakin.

Wala nang tanim na palay ang bukirin ni Simeon Sioson dahil sa bagsak na presyo ng palay at lumipat na siya sa livestock.

Ipinaliwanag ni Sioson na dahil sa bumababang presyo ng palay bunga ng rice importation ng gobyerno, ang mga magsasaka ay nakaranas ng malaking pagkalugi sa kanilang puhunan sa pagtatanim ng palay.

Sa halip aniya na magpatuloy sila sa pagkalugi sa pagtatanim ng palay dahil sa mataas na production cost ngunit mababa naman ang bilihan sa farm gate, ang kanyang lupang sakahan ay ginawa na lamang niya tilapyaan at bakahan.

Ayon pa kay Sioson, hamak na mas maganda ang kita sa pag-aalaga ng tilapia kesa sa pagtatanim ng palay kaya magdadagdag pa siya ng isang parsela ng sakahan para gawing tilapyaan.

Ang iba pa niyang lupang sakahan na hindi na nataniman ng palay ay ginawa naman niyang sugahan ng baka.

Ang magsasakang si Paulino Largoso ay nagsimula naman na mag-breed ng mga kambing tulad ng mestisong Anglo Nubian o Boer na pinalalahian sa mga native na kambing.

Dahil aniya sa pag-upgrade ng lahi ng kanyang kambing ay pangkaraniwang tumitimbang sa 40-50 kilo ang bawat isa nito kumpara sa 15-20 kilo ng native na kambing na naibebenta naman sa P200 kada kilo sa liveweight.

Yung dati naman nito kulungan ng baboy na tinamaan ng African swine fever ay ginawa naman nitong kulungan na lamang ng mga 45-day chicken at yung lupang ginagalaan ng kanyang mga kambing ay nilagyan na rin nito ng alagang bibe para sa karagdagang kita na pamalit sa pag-aalaga ng palay.

Ayon pa kay Largoso, sa panahon ngayon na bumabagsak ang presyo ng palay ay mas magandang hamak ang mag-alaga ng mga hayop kesa sa magtanim ng palay.

Dagdag pa nito na ang mga tumutubong damo sa kanilang bukid ay nagsisilbing pagkain ng mga kambing at baka kaya maliit lang ang nagiging puhunan nila sa pagpapalaki ng mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here