Home Headlines DAHIL SA INIT Alagang baboy malimit paliguan

DAHIL SA INIT
Alagang baboy malimit paliguan

2507
0
SHARE

BOCAUE, Bulacan —- Sa pagpasok ng mainit na panahon ay malimit nang pinapaliguan ng mga hog growers ang kanilang mga alagang baboy upang maiwasan ang pagkakasakit.

Sa backyard farm ni Lilia Medina sa Barangay Batia ang pagbasa ng tubig sa mga baboy ay umaabot ng tatlong beses kada araw.

Malaking tulong daw ang paraan na ito upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkabansot ang mga baboy dahil sa mainit na panahon.

Habang ang ilang commercial piggery farm dito ay naglalagay ng wallow pool sa mga kulungan ng baboy at hinahayaan ang mga ito na magbabad sa tubig maghapon.

Samantala sa kabila nito ay hindi pa rin daw tumataas ang presyo ng karne ng baboy sa farm gate magmula Disyembre ng nakaraang taon. Nasa P110 hanggang P122 kada kilo pa rin ito.

Sa gitna nito ay hirap daw sila sa kanilang negosyo dahil sa mataas na presyo ng feeds at pagdating ng mga imported frozen foods sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here