“Sabi nga nila, pumuti na ang kili-kili ko. Lagi kasing binu-botox ’yung kili-kili ko kasi laging nagpapawis. ’Pag binu-botox, six months or eight months akong hindinagpapawis. Malala kasi, parang umiihi ’yung kili-kili ko,” say niya.
Bukod sa kili-kili, nagpagawa na rin daw siya ng hips kay Dra. Belo.
Pero ngayon, wala na raw siyang gustong ipa-enhance dahil sinabihan din daw siya ng kanyang mga boss saABS-CBN na tigilan na ang pagpapaganda.
“Wala na, ayoko namang masyadong gumanda nang gumanda. Pinapagalitan nga ako ng mga boss, sabi, ‘Tama na ’yung ganyan, ha? Huwag na ’yung magpaganda, hindi ka pwedeng magpagawa ng ilong, hindi ka pwedeng magpalagay ng kung anu-ano.’”
Ang katwiran daw kasi sa kanya ng mga boss, komedyante siya at hindi naman ang kanyang ganda ang ibinebenta niya. Tama na raw ’yung pleasant siya at mukhang malinis.
Inamin din niyang ginusto niyang magpalagay ng boobs dati, pero hindi siya pinayagan ng ABS-CBN bosses.
“Dati ru’n sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, parang gusto kong magpalagay ng dede para doon sa role, tapos tatanggalin ko na lang ulit after. Ayaw nila, hindi ako pinayagan,” kwento pa ni Vice.