Home Headlines Dahil kapos sa irigasyon, magsasaka planong magtanim ng gulay 

Dahil kapos sa irigasyon, magsasaka planong magtanim ng gulay 

1002
0
SHARE

Ayon sa magsasakang si Melencio Domingo, bukod sa problema sa irigasyon ay problema din nila ang pagdagsa ng mga imported na palay sa merkado na epekto naman ng Rice Tariffication Law. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Plano na ng ilang magsasaka dito na magtanim ng gulay o di kaya ay tumigil na sa pagtatanim ng palay dahil sa kakapusan ng supply ng irigasyon kasunod ng mababang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Melencio Domingo, pangulo ng mga magsasaka sa Barangay Santor, dahil sa mababang supply ng irigasyon ay salitan na lang ang ginagawang water distribution ng mga magsasaka

Binigyan man sila ng Department of Agriculture ng 72-litro ng krudo para magamit sa mga water pump ngunit pihado aniya na kakapusin din ito dahil sa manipis na supply ng tubig.

Inaasahan niya na aanihin ito sa katapusan ng buwan ngunit dahil sa manipis na supply ng tubig irigasyon ay nangangamba siya na mauwi na lang sa ipa ang pagbubuntis ng kanyang palay.

Sa ngayon ay nasa 1,000 liter per second lang daw ang supply nila ng irigasyon para sa 1,250 ektarya ng palayan sa Malolos bukod pa sa 4,000 ektarya ng palayan sa karatig bayan ng Bulakan.

Dahil dito nagbabalak na silang magtanim na lang ng gulay para kahit paano ay may pagkakitaan pa ngunit ang magiging epekto din nito ay ang pagtaas ng presyo ng palay dahil sa kakapusin ang supply.

Kaya’t panawagan nila sa National Water Resources Board na itaas sa three cubic meter per second ang supply nila ng tubig para makasapat sa anihan ng mga magsasaka hanggang sa katapusan ng buwan ng Abril.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here