Dahil kampi kay Kristine Hermosa??? Oyo Boy sobrang kontra sa relasyon ng ama kay Pauleen Luna

    523
    0
    SHARE

     Very controversial yung tweets ni Oyo Boy Sotto sa supposedly ay mga babaing malanding mukhang pera.

    May mga humuhulang patungkol yun kay Pauleen Luna na siyang apple of the eyes ng tatay niya.

    Pero sa gitna ng mga kontrobersya, di man deretsong umamin si Oyo Boy, marami ang naniniwalang si Pauleen nga ang pinatutungkulan niya.

    Sa isang interview kay Oyo tungkol sa controversial tweets niya sa Twitter, marami ang nakakabasa ng mga tweets niya.

    “Oo naman, public yun, e. Ano ba dun? Ang dami kong tweets, e.”

    May pinatatamaan ba siya?

    “Ewan ko. Sabi ko nga kasi, kung sino yung tamaan, siya yun.”

    Bakit niya naisipan na mag-tweet ng ganun? Galit ba siya sa taong pinatutungkulan niya?

    “Hindi naman. Wala lang, na-tweet ko lang,” sabay-tawa ni Oyo.

    Nang tanungin ulit kung para kanino ang tweets niyang tila may patama…

    “Basta sabi ko kung sino yung tinamaan, siya na yun, siya na yun.”

    Ang hula ng iba, si Pauleen Luna ang pinatatamaan ni Oyo. Against ba siya sa sinasabing relasyon diumano nina Pauleen at Vic?

    “Wala akong sinasabi na kay Pauleen yun, di ba? so…”

    Pero against ba siya sa relasyon, kung meron nga?

    “Well ako, kung totoo man yung sa kanila ni Pauleen, basta ito lang ang sasabihin ko, ayoko talaga! Iyon lang, ayoko talaga.”

    Bakit?

    “E bata kasi siya sa akin, e.”

    Twenty-eight si Oyo at 26 years old si Pauleen.

    May connection ba ito sa naging isyu di umano noon sa pagitan nina Kristine at Pauleen?

    May isyu kasi noon na nagkaroon ng gap ang dalawa, dahilan kaya umalis diumano si Pauleen sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

    “Actually lumabas nga yung isyu na… parang may nabasa nga ako na si Tin raw yung talagang nagtutulak sa akin para magalit daw sa kanya or sa mga nararamdaman ko daw.

    “E sabi ko, in the first place, hindi ako galit. Hindi ako galit sa tatay ko, hindi ako galit kay Pauleen.

    “Ayoko lang. Hindi lang ako approve sa ano, kung totoo man na meron silang relasyon.”

    Ano ba ang alam niya, meron nga o wala?

    “Si daddy tahimik lang e,” ang natatawang reaksyon ni Oyo sa tanong namin.

    After ng tweets niya, kinausap ba siya ng daddy niya?

    “Wala, hindi. Okay pa din.”

    Sila ni Pauleen ay hindi rin daw nagtatagpo ang landas since Oyo’s tweets.

    Kahit raw sa mga Sunday breakfast ng kanilang pamilya or special family gatherings ay hindi pa niya nakitang isinama ng daddy niya si Pauleen.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here