Home Headlines DAGDAG PANGKABUHAYAN Kasundaluhan nagtanim ng mga gulay

DAGDAG PANGKABUHAYAN
Kasundaluhan nagtanim ng mga gulay

850
0
SHARE

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija —- Sitaw, okra, talong, kalamansi, sili, pechay, kalabasa, papaya at kamatis ay ilan lamang sa mga tanim na gulay sa halos isang ektaryang lupain sa loob ng kampo.

Ayon kay Lt. Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang Kaugnay Hardin ng Lunas ay isang livelihood project ng kasundaluhan para makatulong maging sa kani-kanilang pamilya.

Ibinibenta aniya nila ang mga gulay para makatulong na dagdag kita sa kasundaluhan ng Philippine Army at ang iba naman ay para sa kanilang pagkain.

Isa aniya itong food security program o pagpapasiguro na ang lahat ay may makakain at may tamang supply ng pagkain.

Target nila na ang lahat ng kampo ng kasundaluhan sa Pilipinas ay magkaroon din ng Hardin ng Lunas para sa isang “greener camp.”

Mayroon na rin aniyang tanim na gulay ang ang ibang kampo ng Army gaya ng sa Tarlac City na una nang naglunsad ng Hardin ng Lunas program.

Sa paraang ito ay sa halip na nakatengga lamang ang mga bakanteng lupa sa loob ng kanilang kampo ay mas mapapakinabangan pa ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here