Home Headlines Dagdag duktor, nurses hiling ni Fernando sa DepEd, PNP

Dagdag duktor, nurses hiling ni Fernando sa DepEd, PNP

1306
0
SHARE

Gov. Daniel Fernando habang ipinapaliwanag sa media ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan. Contributed photo


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa Bulacan at kakulangan sa medical staff, humihingi na ng tulong si Gov. Daniel Fernando ng ayuda sa Philippine National Police at Department of Education para sa dagdag na duktor at nurses.

Ayon kay Fernando, nagpadala siya ng sulat sa PNP at DepEd para humiram ng mga duktor at nurses upang magamit sa Bulacan Medical Center (BMC) at sa Bulacan Infection Control Center (BICC) na napupuno na ng mga pasyente at kulang na ang medical staff.

Ayon kay Fernando, dahil wala namang face-to-face classes ngayon ay hiling niya na kung maari ay sa mga pampublikong ospital na muna magtrabaho ang duktor at nurses mula sa DepEd.

Hiling naman niya sa PNP na kung maaari ay makatulong rin ng dagdag na mga medical staff mula sa kanilang hanay.

Paliwanag ni Fernando, kaya pa naman ng hospital bed capacity ng BMC at BICC para sa mga pasyente ngunit tanggapin man nila ay walang tutugon sa mga ito dahil sa kakapusan ng duktor at nurses.

Ayon sa impormasyon, aabot sa 200 ang waiting list sa BMC na may mga sintomas ng Covid-19.

Ani Fernando, nag-abiso na sa kanya ang IATF na isasailalim sa MECQ ang Bulacan mula Agosto 16 hanggang  Agosto 31 at kinakailangang maghigpit sa lalawigan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng covid-19.

Sa ngayon, aniya, ay nasa pitong bayan na sa Bulacan ang may naitalang kaso ng Covid-19 Delta variant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here