Home Headlines Daan ng Krus ginugunita

Daan ng Krus ginugunita

626
0
SHARE
Paggunita sa Daan ng Krus sa Samal. Kuha ni Ernie Esconde

SAMAL, Bataan — Patuloy ang mga religious activities sa Bataan na ginugunita ang Kuwaresma na isang paghahanda sa loob ng 40 araw bago ang Easter Sunday o Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesucristo.

Ang mga kasapi, halimbawa, ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) o ang Aglipayan Church, ay nagsagawa nitong tahimik na hapon ng Biyernes ng Stations of the Cross o Daan ng Krus sa Barangay Santa Lucia dito.

Sa pamamagitan ng dasal at mga awitin, ginunita ang hirap na pinagdaanan ng Panginoong Hesucristo bago siya namatay sa krus at muling mabuhay. 

Pinangunahan ni Fr. Roderick Miranda, IFI–Samal parish priest, ang Stations of the Cross. 

Labing-apat na bahay ang nagsilbing 14 Stations of the Cross sa Sta. Lucia sa ikalawang Biyernes ng panahon ng Kuwaresma. Nagsimula ang paggunita ng Daan ng Krus sa Barangay Tabing Ilog noong nakaraang Biyernes. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here