Madalas di ko alam kung ako’y matutuwa o malulungkot sa aking mga pagbisita nitong mga nakaraang araw.
Nakakataba ng puso, ika nga, ang maiinit na pagsalubong ng mga kaibigan at kababayan. Ganun yata talaga pag bumabalik ang mga sandali ng pagkikita at pagkukwentuhan ng mga taong may pinagsamahan. Masaya ang mga balitaan. Nakakatuwa at nakakaalis ng pagod.
Tulad ng pagbisita ko sa Barangay Cutcut kailan lamang. Alam ng marami kung sino o aling angkan ang matagal na panahon nang “humahawak” sa Cutcut. Ang salita nila ay parang batas na sinusunod. Halos nakagawian na itong gawin dahilan na rin sa katagalan ng kanilang pamumuno sa lugar. Ang malaking bahagi ng lupa sa Cutcut ay pag-aari ng mga Nepomuceno, ang nirerespetong angkan sa barangay. Bumisita ako dito sa imbitasyon nina kaibigang Alex I at Ros O. Si Alex ay dating presidente ng Councilors League of Angeles City (CLAC) at si Ros ay 3-term barangay councilor ng Cutcut.
Masarap na balita ang binigay nila sa akin. Ang mga tao daw sa Barangay Cutcut ay hindi makakalimutan na nuong araw daw sila ay mga iskwater lamang sa kanilang lugar, pero nung hinawakan ko ang pamunuan ng siyudad, sa ilalim daw ng aking programang “Lupa Para Sa Walang Lupa” at “Pabahay Para Sa Walang Bahay” ay nagkaron sila ng magandang pag-asa at ngayon nga ay hindi na sila iskwater sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Sila ay may ari at may titulo sa sariling lupa. Kung kaya sila raw sa Barangay Cutcut, ang lahat ng kagawad ng barangay, mga pook lider at buong mamamayan ng Cutcut ay tunay na di makakalimut at ang buo nilang suporta ay mananatili para sa akin.
Mahal daw nila ang kanilang barangay chairman, si kaibigang Bong Nepomuceno, kapatid ni Pareng Blueboy na kasalukuyang meyor ng syudad. Pero sa akin pa rin daw ang buo nilang suporta. Di ko alam na ganun pala kalalim at katibay ang ugat na natanim ng programang pang-tao na nagbigay ng magandang pag-asa.sa kanilang buhay. Nasa mga huling taon na ako ng aking panunungkalan bilang mayor nang isinagawa ko at ipinatupad ang programang ito. Hindi ko inasahan na pagkatapos ng nakaraang mahabang panahon ay mananatili pa ring sariwa sa alaala ang biyayang dulot ng programa. Ang nasa isip ko lang at layon nuon ay mabigyan ng dignidad at magandang pag-asa ng maayos na pamumuhay ang mga maralitang mamamayan ng lungsod Angeles.
Hindi ko inakala ang pagsapit ng ganitong pagkakataon. Kaya ang balitang-pasalubong nina kaibigang Alex I at Ros O ay lalung nagbigay ng inspirasyon sa akin—at nagpatibay sa aking layunin—na ipagpatuloy ang programang ito sa aking pagbabalik.
Dapat seguro ipagpatuloy ang ganitong programa pagkat marami pa ring kababayan natin ang walang sariling lupa o bahay, kung kayat kulang sila ng sapat na pagkakataon o kakayahan na makipagkumpitensya sa maiiigting na mga laro at pakikibaka ng buhay. Nakakalungkot mamasdan na meron tayong mga kababayan na nasa ganyang kalagayan.
Ibang problema naman ang sumalubong sa unang pagbisita ko sa Northville, Cutud, may ilang linggo na ngayon. Kalulubog pa lang ng araw nang bumisita ako duon, pero makapal na kagad ang dilim sa kalye at kapaligiran. Walang kuryente. Walang poste. Walang ilaw. Matagal na raw na ipinagbigay-alam nina kaibigang Fred Aguilar, dating barangay captain duon, at ni Conching Dayrit, dating kagawad ng Barangay Santo Cristo na ngayo’y nalipat sa Cutud, ang problemang ito sa pamunuan ng siyudad pero hindi binibigyan ng aksyon. Ang anumang bagay o problema, kung gustong aksyunan, lahat pwede, mahaharapan ng paraan; kung hindi gusto, lahat hindi pwede, walang hahanaping paraan.
Napakasimple ng problema para hindi mahanapan ng agarang angkop na lunas. Tinawagan ko ang kinauukulang ahensya ng pamahalaan at sa loob ng tatlong araw ito ay kinabitan ng kuryente, nakapagtayo ng walong-pung (80) poste at kaukulang mga ilaw. Sa maikling panahon ng tama at agarang pagkilos, lumiwanag ang buong barangay at mga daan.
Idinaing din sa akin at nakita ko ang kakulangan ng classrooms sa barangay. Ito ay akin ding inaksyunan at ngayon ay kasalukuyan o malapit ng matapos ang mga kailangang classrooms duon.
Binisita ko rin ang city jail, pagkat nakarating sa akin ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga kababayan nating naka-detain o nakakulong duon. Hindi lahat ng nasa loob ng city jail ay napatunayan sa korte na may sala o may nagawang paglabag sa batas. Marami duon ay inaresto dahil lamang sa bintang pero nakakulong pagkat walang pampiyensa.
Pagkat kulang na tayo ng espasyo, sa susunod na isyu na ng Agyu Tamu ko ilalahad ang mga problema na nasaksihan ko at ginawan ng agarang aksyon at solusyon.
So see you next week. Mabuhay!