Home Headlines Curfew pansamantalang pinaikli sa Bataan

Curfew pansamantalang pinaikli sa Bataan

776
0
SHARE

Si Gov. Albert Garcia habang inaabot ang token ng Death March marker kay Consul  Aleksander Parzych ng  the Embassy of the Republic of Poland to the Philippines. Contributed photo



LUNGSOD
NG BALANGA — Pansamantalang pinaikli ang oras ng curfew sa Bataan upang humaba ng kaunti ang oras ng mga mag-aanak sa pagdiriwang ng Christmas holidays.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na simula sa ika-16 ng Disyembre, ang malawakang curfew sa buong Bataan sa ilalim ng modified general community quarantine ay magsisimula sa alas-10 ng gabi hanggang alas-3:30 ng umaga.

Ito, ani governor, ay ipapatupad lamang hanggang ika-31 ng Disyembre.

Sa unang araw ng Enero 2021, ang curfew ay ibabalik sa dating schedule na alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makapagdiwang ng Christmas holidays kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at magkaroon ng mas mahabang panahon ng pagkakasama-sama sa dakilang araw ng Pasko,” sabi ni Garcia.

Inanunsiyo rin ng governor na ipinasya ng provincial inter-agency task force na pahintulutan nang muli ang mga essential na pagtitipon sa lalawigan ngunit alinsunod sa mga patakarang una nang ipinatupad upang makasiguro pa rin sa kaligtasan at proteksyon ng bawat isa.

Bilang bahagi ng ating sama-samang pagtahak sa tinatawag na new normal at sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga naaapektuhan ng coronavirus disease, ipinasya  ng ating lokal na IATF na maaari nang payagan ang mga work-related meetings at conference, public hearings, government and training seminars at maging non-contact sports,” sabi ni Garcia.

Ito, aniya, ay sa kundisyong mahigpit pa ring pananatilihin at tutuparin ang mga minimum public health standards katulad ng temperature screening, pagsusuot ng face mask at face shield, disinfection, physical distancing, controlled flow of attendees, limited number of attendees and participants, proper ventilation of the venue, access to hygiene facilities, registration, at iba pa.

Ipagdiwang nating lahat ng maluwalhati ang nalalapit na Pasko. Tandaan  na ang 85 porsyento ng kasiguruhan ng ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating mga kamay. Ibayong pag-iingat pong muli sa lahat!,” paalaala ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here