LUNGSOD NG PALAYAN — Ilang araw bago mag-umpisa ang opisyal na campaign period para sa mga lokal na kandidato, inindorso ni Pangulong Duterte si Palayan City Mayor Adrianne Mae “Rianne” Cuevas para sa pagka-gubernador ng Nueva Ecija.
“As President, I endorse the candidacy of Adrianne Mae Cuevas, running for governor of Nueva Ecija,” ani Duterte sa isang video message na inilathala sa social media nitong Linggo.
“I trust that her vision for the improved welfare of the constituency will have the government realize the mandate to serve the people with excellence and passion,” saad pa ng pangulo.
Si Cuevas na nasa ikatlong termino ngayon bilang alkalde ng lungsod na ito ay national treasurer ng PDP-Laban.
Nagpahayag rin ng pag-asa si Duterte na magiging daan ang paparating na May 9 national and local elections upang mailuklok ang mga karapat-dapat na lider.
“May the upcoming elections become an opportunity for us to elect leaders that will chart our path towards progress and prosperity. Vote for Rianne Cuevas,” pahayag mg Pangulo.
Sa isang post, kasama ng nasabing video, sa kanyang opisyal na Facebook Page, ay ipinaabot naman ni Cuevas amg kanyang pasasalamat kay Duterte.
Nangako rin siya na kanyang ipagpapatuloy ang anti-drug, anti-poverty at anti-corruption sa Nueva Ecija kapag siya ay nahalal na gubernador.
Sa kanyang kandidatira ay ka-tandem ni Cuevas sa pagka-bise gubernador si dating Vice Gov. Edward Thomas Joson.
Ang kanyang 25-anyos na anak na si Vianne Cuevas naman amg lumalaban sa pagka-alkalde ng lungsod na ito, na kapitolyo ng lalawigan.