ANG TAUNANG ‘Alay Lakad’ nitong Lungsod
(ng San Fernando) na isang ‘walk for a cause,’
at ang layon nito ay maitaguyod
itong tinatawag na ‘out of school youth’
Upang matulungang makapagpatuloy
sa pag-aaral ang mga may ambisyong
makapagtapos ng kahit anong kursong
kayang tustusan ng nasabing Foundation
Malaking bagay ang magagawa nito
para sa kapus-palad na Fernandino
na di maibigay ng magulang mismo
ang pangarap n’yan na maging titulado
Kung saan bagama’t may talinong taglay
ay maaring hanggang elementarya lang
o di makatuntong man yan sa baytang
ng high school dahil anak mahirap yan.
Subalit nang dahil sa pagkakatatag
ng ‘Alay Lakad’ sa mapuring siyudad,
na kwenta ’18 years’ nang yan ay sinisikap
mapatatag lalo ng mga nagtatag
Sa pamumuno ni Dr. Lourdes Javier,
katuwang ang iba pa nating kabalen,
mga ‘private sectors’ at ‘concern citizens,’
na handang magbigay suporta at mag-‘share’
Ng tulong pinansyal upang ang layunin
nitong ‘Alay Lakad’ para sa maraming
‘out of school youth’ na kababayan natin
ay maipaabot ng buong taimtim
Ang pagnanais na makatulong ganap
para paaralin ang anak mahirap,
na gustong mag-aral, nagawang matupad
sa pamamagitan nitong ‘Alay Lakad’
At kung saan ayon na rin kay Dr. Lou,
mahigit 700 na riyang Fernandino
ang nakinabang sa nasabing proyekto
mula pagkatatag niyan ’18 years ago’.
Kaugnay ng tema na tinawag nilang
“Kabiasnan ding kayanakan, Palabungan
para king Pamagbayung Kapagnasan”,
ang ‘fund raising’ nila sa kasalukuyan
Ay nakasentro sa pagnanais nila
na maka-ipon ng sapat na halaga
ngayong 2016, sa Alay Lakad na
gaganapin nitong Nobyembre, kasama
Ang ‘Alay Lakad Executive Committee
chaired by Noel Gomez, at kabilang pati
ang buong grupo ng Samahang nasabi;
gayon din naman ang butihing Alkalde
Ng City of San Fernando, na si EdSa
kung siya’y tawagin halos ng lahat na
ng ating kasiyudad at nitong iba pa,
na sa kanya ‘y lubos nakakakilala!
(Palibhasa’y isa sa pinakatanyag
na City Mayor sa buong Pilipinas;
‘Multi-Awarded’ at kilala ng lahat
ng kapwa Alkalde sa ibayong dagat!)