Home Headlines CRK domestic flights tigil muna

CRK domestic flights tigil muna

1359
0
SHARE

Ang mga nakanselang flights sa Clark Airport ngayong araw. Kuha ni Rommel Ramos



CLARK
INTERNATIONAL AIRPORT — Tigil muna ang karamihan sa mga domestic flights ditto dahil sa magkakaibang health protocols na ipinapatupad sa magkakaibang community quarantine sa bansa.

Ayon sa LIPAD Corp., tigil muna ang mga domestic flights patungong Cebu, Puerto Princesa, at Cagayan De Oro.

Ngayong araw ay nakansela na ang mga flights ng AirAsia at Cebu Pacific patungong Cebu at nakansela na rin ang flights ng AirAsia patungong Puerto Princesa at Cagayan De Oro.

Ayon kay Maritess Flores, media relations officer ng LIPAD Corp., ititigil muna ng mga airline companies ang operasyon sa mga nasabing lugar maliban sa Davao na tuloy ang lipad tuwing araw ng Sabado.

Ang dahilan aniya ng kanselasyon ay may mga paghihigpit at may mga dokumentong kailangan i-secure ng mga pasahero dahil sa magkakaibang health protocols ng magkakaibang quarantine level nationwide.

Kaugnay nito ay agad namang naabisuhan ang mga pasahero na nakanselado na ang kanilang lipad kaya wala namang stranded sa nasabing paliparan.

Dahil sa kanselasyon ay pinapayuhan ang mga pasahero na palagiang makipag-ugnayan sa mga airline companies para sa update ng kanilang mga flights sa Clark airport.

Payo niya sa mga pasahero na palagiang makipag-ugnayan sa mga airline companies para sa update ng kanilang mga flights sa Clark airport dahil pabago-bago ang sitwasyon araw-araw at maging sila ay palagiang naka-monitor kung may pagbabago sa mga flight details.

Ayon kay Flores, sa ngayon ay wala pa ring eksaktong araw kung kailan makakabalik sa normal ang mga flights sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, hindi naman apektado dito ang mga international flights sa Clark airport at patuloy ang paglapag dito ng mga airlines na may sakay na OFWs at mga repatriates.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here