Cristine Reyes syota na ni Rayver Cruz

    332
    0
    SHARE
    Hanggang ngayon, panay pa rin ang denial nina Rayver Cruz at Cristine Reyes sa tunay nilang relasyon. Marami pa ring paeste ang dalawa na kumbaga, kitang-kita na sila na lagging magkasama sa mga lakaran, ayaw pa nilang aminin ang tunay nilang relasyon.

    Take note, that Cristine is open to a relationship, although noon pa naman niya sinasabing kesyo career daw muna ang uunahin niya. Pero alam naman ng publiko kung kanino siya na-link na kung sino-sinong mga lalaki in the past.

    Well, gusto yatang magkaroon ng image na mahinhin nitong si Cristine gayung alam nga ng marami na hindi naman siya ganoon ka-conservative.

    Yes, Cristine Reyes and Rayver are playing good music together at ‘yan ay ‘wag na nilang i-deny pa.

    “Minsan na kasing may nakakita sa dalawa habang magkasamang namamasyal na na holding hands pa. Yung kanilang mga body language can not deny the fact na sila na nga. No amount of denial can ever change that.

    “Kasi po, nung may makakita sa amin, na magka-holding hands daw kami, inaalayan lang niya ako, kasi sobrang taas ng taking na suot ko, gentleman naman si Rayver kaya natural lang na inalalayan niya ako.”

    Pakiulit nga, Cristine!

    So far ganyan din ang tugon ni Rayver. Na kesyo magkaibigan lang sila, pero ayan nga ktiang-kita na lagi silang magkasamang nagde-date kung saan saang lugar.

    Pustahan, kapag may project ang dalawa na sila’ng bida, tiyak puspusan nang relasyon at lalamunin nila ang mga sinasabing magkaibigan lang daw sila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here