Cristine Reyes pahinga muna ang lovelife

    348
    0
    SHARE

    GAME NA GAME si Cristine Reyes sa lahat ng mai-intrigang tanong sa promo ng “When the Love Has Gone” mula sa Viva Films na ipalalabas na sa Nov. 27.

    May mga nagsasabing “put on” lang ang lahat ng saya at kilos niya dahil malaking bahagi ng pelikula ay nakasalalay sa kanya. Isa siya sa major cast ng pelikulang itinuturing na pinaka-dramatic love story ever produced by Viva Films.

    “Totoong masaya ako, dahil, naayos ko ang buhay ko para masiguro kong walang mawawala sa akin. Kung mayroon man, hindi naman tuluyan dahil nananatili kaming magkaibigan pa rin.

    Hindi man as lovers, okey na ‘yung maging best of friends. At least, magkasama pa rin kami lagi.” Tinutukoy siyempre ni Cristine ay si Derek Ramsay na naging boyfriend niya for only a month ba?

    “At naniniwala ako sa forever!” patuloy niya. “Kung hindi forever ang pagiging lovers namin, at least, may pag-asang maging forever ang friendship namin.”

    Samantala, pahinga muna si Cristine sa lovelife. Pero, hindi raw nangangahulugan na hindi na siya magmamahal uli. “Habang tumitibok ang puso ko, may pag-asang magkaroon,” aniya, sabay halakhak.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here