Cristine Reyes mabuting tao sa tingin ni Derek Ramsay

    413
    0
    SHARE

    HINDI MAGANDA ang pakiramdam ni Derek Ramsay kahapon sa presscon and screening ng bago niyang weekly primetime drama na For Love or Money and in fact, namumula ang kanyang mga mata at parang nagluluha. Papunta nga raw siyang doktor after ng event.

    “Parang over fatigue na ’to, I don’t sleep. My sleeping is affected already and if I get like a chance to go to bed at 8 in the morning, hindi ako makatulog. Nagsi-shake nga ako and my hands keep sweating, I really need to see a doctor,” he said.

    Pero kahit masama ang pakiramdam, nag-stay pa rin ang aktor even after the Q and A portion at nakipag- interbyuhan pa rin sa press and answered all the questions thrown at him. Very professional, we must say.

    Siyempre, isa sa pinakamaraming tanong na natanggap niya ay ang tungkol sa recent breakup nila ni Cristine Reyes pero ani Derek, ang masasabi lang niya ay walang may kasalanan.

    “Walang may mali, walang may kasalanan, walang may masama. It was just a decision that was made, there’s nobody wrong. It’s just nangyari. Nangyari lang ang nangyari,” paliwanag ng aktor.

    Marami kasing espekulasyon ang lumabas at isa na rito ang tsikang masama raw ang ugali ni Cristine pero pinasinungalingan ito ni Derek.

    “Kung sa ugali, guys, tatlong taon ko siyang kilala, tatlong taon ko siyang kaibigan. Bakit siya ang inaano, bakit ang ugali niya (ang sinasabing dahilan). Walang ganu’n. Kilala ko ang ugali ni AA (tawag kay Cristine) and she’s a wonderful person.”

    May communication pa ba sila ngayon? “No, right now, we’re giving each other space kasi masakit naman, ’di ba? Pero kita mo naman, we’re still following each other’s Instagram and Twitter accounts. There’s no disrespect coming from both parties and that’s what matters and that’s why, we want to keep this private.

    “’Yung relationship namin ni AA, tatlong taon (as friends) and I’m always gonna be there for her, as a friend, her best friend, it’s just time will fi x everything.”

    When asked kung ano ang nangyari sa post niya sa Instagram account nang nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Cristine na “this is forever,” ayon kay Derek ay ayaw na raw niyang mag-react tungkol dito.

    “I don’t want to say anything. Like I said, this is a private situation to me, we’re going to handle it together or individually. After sometime, I think, we’re gonna be okay and we’ll be going back to the normal friendship that we used to. ’Yung kulitan, ’yung tawanan.”

    Kahit break na sila, magkatrabaho pa rin sila ni Cristine ngayon because they’re doing a movie under Viva Films and in fact, nakatakda silang magkita today sa Hawaii for a show.

    Ayon kay Derek ay hindi naman daw siya uncomfortable na makita ang ex-gf. “Most definitely not. I’m not uncomfortable to see my friend. I’m excited to see her, she’s my friend,” he said.

    Samantala, ipinapanood sa entertainment press ang pilot episode ng For Love or Money mula sa direksyon ni Mac Alejandre at marami ang pumuri nito. First episode pa lang ay maeengganyo ka nang subaybayan ito na mapapanood every Thursday night, 8:30-9:30 starting Oct. 17.

    Kasama ni Derek sa weekly seryeng ito sina Ritz Azul and Alice Dixson bilang kanyang leading ladies and Edward Mendez.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here