Sabay humarap sa The Buzz sina Cristine Reyes at Rayver Cruz upang i-announce na kaput na ang kanilang love affair. After ng maraming pangyayari sa buhay nila, umamin na’ng dalawa na wala na sila.
Unang nagsalita si Rayver na ganito at ganun. Na minahal daw nila’ng isa’t isa, pero dumating na sa panahong kailangan talagang harapin na nila’ng katotohanan.
Dito na lumabas na may katotohanan ang mga naunang isyung hiwalayan nila noon. Na kesyo hindi raw true pero ngayon nga malinaw na umamin na sila.
Tipong Shaina Magdayao at John Lloyd yung ginawang pag-amin ng dalawa. Kung matatandaan, di na sila original sa ginawa nila, sina John Lloyd at Shaina na nga ang naunang gumawa nito.
Anyway, tiyak na may third party sa sino man sa dalawa. Tiyak, isa sa mga araw na ito lalabas ang katotohanang may ibang babae na si Rayver at may ibang lalaki naman si Cristine.
O baka naman meron na nga ngayon kaya naghiwalay na sila.
Hindi kaya?