Cristine Reyes insecure nang sobra kay Sarah Geronimo

    4187
    0
    SHARE
    Binuking sa Paparazzi yung tweets ni Cristine Reyes laban kay Sarah Geronimo. Nope, walang pangalang sinabi si Cristine pero halatang si Sarah talaga’ng pinatataaman niya.

    And the only reason we can infer kung bakit may attitude laban sa magaling na singer itong si Cristine ay dahil sa sobrang insecurity kay Rayver Cruz. Bale magkaribal ang dalawa and the way Cristine sounded, pinalalabas niyang naghahabol si Sarah kay Rayver. Yung kasing mga tweets niya, talagang halatang selos na selos siya ay Sarah.

    Well, nagkaisa naman ang mga writers na nasa Paparazzi tungkol sa kagaspangan ng ugali ng kapatid ni Ara Mina. Feeling daw talaga niya, ka-level na niya si Sarah G who is obviously the bigger star between the two. Meaning, talagang ginagamit lang ni Cristine si Sarah G para lang siya pag-usapan.

    “Kahit sino na lang inaaway niya, sige nga tingnan ko, awayin mo kaya’ng sarili mo,” sabi pa ng isang mataray na lady scribe.

    Tiyak daw na pag-uusapan ang feud ng dalawa pero sana raw ‘wag na lang pumatol si Sarah G. Baka raw kasi sumikat pa si Cristine na lalong lumaki ang ulo.

    Hahaha!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here