Cristine Reyes, inililihim sa pamilya ang kanyang sakit sa puso

    435
    0
    SHARE
    Hindi dapat ipagwalang –bahala ni Cristine Reyes yung natuklasan niyang meron pala siyang congenital heart disease.

    Sa  pakikipagkuwentuhan niya sa mga reporter noong isang araw, idinetalye ni Cristine kung paano niya nalamang meron pala siyang sakit sa puso.

    “One time, paggising ko, nawalan ako ng eyesight. Wala talaga akong makita, as in madilim,” simula ni Cristine.

    “Dati, ganundin naman ako pagkagising, wala akong nakikita. Pero sandali lang naman at nakakakita ako agad. Pero last week, ang tagal kong hindi nakakita. Umabot ng isang minuto.  Yun ang nag-trigger sa akin para magpa-check up ako.

    “Ang una kong pinatingin ay yung mata ko. Sabi naman sa akin ng doktor, wala naman daw akong problema sa mata. Pumunta na lang daw ako sa cardiologist. So ayun, nagpunta ako, tapos pina-ultrasound niya ako. After ilang days, bumalik ako. Tapos ayun, sinabi sa akin na inborn daw, mayroon daw akong congenital heart disease.

    “All of a sudden, magkakasakit ka, sa puso pa? Nakakainis lang kasi siyempre ayoko ng ganoong sakit. Okey lang kung yung lagnat, di ba? E, wala akong magagawa, inborn daw,” lahad niya.

    Wala ba siyang nararamdaman noong bata pa siya na may ganyang sakit siya?

    “Siguro kasi ano, hindi ko lang pinapansin. Pero alam ko dati pa na madali akong mapagod, tapos nagpa-palpitate ako. Kahit nasa bahay lang ako, ganyan…parang nag-e-exercise ang heartbeat ko.”

    Hindi ba siya naospital before, ngayon pa lang ba?

    “Dati nagpa-hospital ako kasi sabi ko, hindi na ako makahinga. E, nung nagpunta ako sa hospital, walang makita yung mga doktor. Kasi hindi talaga nila makikita dahil kailangang i-ultrasound nila ang heart ko.”

    Paano ang medication niya?

    “May ibinigay silang nireseta na gamot kaso hindi pa ako nakakabili, kasi wala akong time,” sabi ni Cristine.

    Anong reaction ng pamilya niya nang malaman ng mga ito ang kanyang sakit?

    “Ang una kong pinagsabihan, yung kapatid ko, si Heidi. Kasi sabi ng doctor, kailangan ko daw sabihin kahit sino sa family, like sa mommy ko. Pero sabi ko sa kapatid ko na lang sasabihin. Kasi pag ke mommy, magagalit pa yun sa akin. Sasabihin niya, ‘Kasi ayan, pabaya ka sa sarili mo,’ gaganyan pa ‘yan.”

    Seroiusly though, dapat talagang seryosohin ni Cristine yung natuklasan niyang sakit sa puso. Dapat talaga, magpa-check up siya at sabihin sa nanay niya ang problema. Aba, traydor na sakit ang sa puso, siya rin, nasa peak siya ng kanyang career, sayang naman!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here