Cristine Reyes ginagamit ng pulitiko

    424
    0
    SHARE

    Nainggit yata si Koko Pimentel sa love affair nina Heart Evangeista at Chiz Escudero. Kaya siya naman ngayon ang gumigimik na may crush din siyang artista. Komo nga hiwalay sa asawa, inisip siguro ni Koko na makabubuti yung gamitin niya ang isang artistang puwedeng i-link sa kanya.

    Si Cristine Reyes ang showbiz crush ni Sen. Koko Pimentel at para sa kanya, ang aktres ay very pretty at sexy.

    Inamin ng senador ang paghanga sa GF ni Rayver Cruz sa ibinigay niyang Christmas party sa entertainment press.

    Pero walang balak ligawan at agawin ni Sen. Koko si Cristine kay Rayver, humahanga lang daw siya sa dalaga.

    Loveless pa raw siya at tila hindi pa successful ang paghahanap ng kanyang mga kaibigan ng magiging GF niya.

    Nabanggit ni Sen. Koko na malungkot ang Pasko niya ngayon dahil ang mga anak niya ay sa ina ng mga ito mag-i-spend ng Christmas.

    Maayos ang usapan nila ng ex-wife tungkol sa mga bata at iginiit nitong friends sila ng ex-wife.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here