Sayang, maganda pa naman ang Tumbok, nakatatakot talaga. Hindi puwedeng di maapetkuhan lalo na’t matatakutin. Sa husay ng pelikula, kami mismo, talagang kinikilabutan sa mga eksena. Kuhang-kuha ni direk Topel Lee ang tamang sangkap ng isang horoor movie.
Pero nakalulungot, flop ang movie. Sa sinehang pinanooran namin noong first day run ng movie, talaga namang apat lang kami sa loob ng sinehan, sobrang ginaw, kaya talagang nakadagdag yun sa horror mood ng movie. Nakakatakot sa loob ng sinehan dahil wala ngang tao.
Usually, sa first day malalaman ang tagumpay o ang talo ng isang movie. Kung walng pila sa first day, mas malamang kesa hindi na di ito kikita. Sa kaso ng Tumbok na movie nga ni Cristine Reyes, walang tao talaga. As in apat lang.
Kung ang sitwasyon sa sinehang pinanooran namin sa Robinson’s is simlar sa inang sinehan, fisrt day last day talaga’ng movie na’to.
Puwedeng sabihing floppest movie of the year!
As in! Hahaha!