Kagaya na lang ngayon, meron silang alitan ng isa pang sexy star na si Riza Santos.
Kahit walang kinalaman si Cristine Reyes sa controversy ngayon ni Riza Santos sa Mint clothing line, nada-drag pa rin ang name niya sa issue simply because siya ang pumalit sa Fil-Canadian star bilang endorser.
Nang makausap nga namin si Cristine, nilinaw niyang hindi niya sinulot si Riza. Ang nangyari raw kasi ay may mga trabahong iniwan ang co-VAA (Viva Artists Agency) and since pareho naman sila ng management ay siya ang ipinalit.
Ayon naman sa publicist ng VAA na si Dudes Santiago, kaya nga raw kumukuha ng endorser ang isang kumpanya ay para mai-promote ang produkto. Pero sa kaso nga ni Riza, hindi raw nito sinipot ang mga campaign promo ng Mint kaya naman nagdesisyon na ang kumpanya na palitan ito.
Ayon kay Cristine, huli niyang nakasama si Riza sa pictorial ng Banana Split. Dapat sana ay magkasama sila ngayon sa nasabing gag show pero nag-back-out nga si Riza at the last minute.
“Hindi siya (Riza) tsinugi du’n, siya ang nagpatsugi,” say pa ni Doods.
Samantala, happy si Cristine sa nangyayari sa career niya ngayong 2008 kaya naman masaya niyang sasalubungin ang pagpasok ng Bagong Taon.
Paano ‘yun, malamig ang Pasko niya?
“May jacket naman, eh,” nakangiti niyang sabi.