Cristine Reyes babanggain ni Marian Rivera

    332
    0
    SHARE
    Malakas ang Eva Fonda ni Cristine Reyes sa Kapamilya network. Ito ang pambato ng network sa giyera ng mga teleserye sa ngayon. Very sexy kasi si Cristne Reyes na talaga namang katakam-takam ang sexiness sa ngayon. Idagdag pa riyan yung naipakita niyang sensuality sa kanyang pagganap. Aktres na nga raw itro na nalampasan pa’ng Ate niyang si Ara Mina.

    Kay naman, ang Eva Fonda raw ang pinag-iinitang pabagsakin ng GMA 7. Kaya nga si Marian daw, para sa Babaeng Hinugot Sa Aking something nila ni Dingdong Dantes ang isasabong ng Kapuso network sa giyera. Kumbaga, umaasa ang kabilang kayang mapabagsak ni Marian si Cristine.

    Ito rin daw ang sinasabing dahilan kung bakit talaga namang nag-allout sexy na rin si Marian sa Babaeng… Una, umabot pa raw sa puntong nagpapababoy na siya kay Dingdong na kahit na nasa primetime tv pa sila, ayan at may malaswang eksena sila ni Dingdong. Kumbaga, lumampas na raw sa standard ng moralidad si Marian na lumalabas na trying hard na.

    At ‘yun ay para lang mapagbagsak ang inosenteng si Cristine Reyes.

    True ba?

    ‘Wag naman sanang ganoon, pwedeng naming hinay-hinay ang pagpaseksi at hindi gaya ng ginagawa ni Marian na halos ipakita na niya nang buong-buo ang kanyang kaluluwa.

    Alang-alang sa ratings.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here