Cristine Reyes ang babaing walang pahinga

    423
    0
    SHARE

    HINDI USO kay Cristine Reyes ang pahinga. Isa siyang lagarista. Katatapos lang sa ere ng serye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin last Friday pero heto’t sumabak na agad siya sa taping ng Honesto.

    Yes, si Cristine ang bagong additional character sa seryeng pinagbibidahan nina Raikko Mateo at Paulo Avelino. Ginagampanan niya ang papel na nurse na siyang nag-aalaga kay Diego (Paulo) simula nang maaksidente ito. And later, main-love raw siya rito.

    Ayon kay Cristine, okay lang sa kanya na walang pahinga kaysa naman walang trabaho. “Mas gusto ko na ’yung walang pahinga kaysa puro pahinga.

    Kasi, if ever naman na marami akong trabaho, nakakapag-request naman ako like for example, meron akong abroad ’pag may work ako do’n, nakakapag-request naman ako sa Viva (her management) na puwedeng mag-extend like 2 days, pinapayagan naman nila ako, hindi naman sila mahigpit,” say ni Cristine.

    First time ni Cristine na makatrabaho si Paulo at ni hindi nga raw niya ma-recall kung nag-abot pa sila sa GMA-7 noong time na Kapuso artist pa siya.

    Nagkita na raw sila sa taping pero dahil nga may sakit ang karakter nito, nakahiga lang daw ito at wala pa silang dialogue together.

    “So, ako lang ’yung puro nagsasalita, nakahiga lang siya du’n,” kuwento niya. Hindi pa raw sila nagkikita ni Honesto (Raikko) at excited na nga raw siyang makita ang bagets. Hindi pa masabi ni Cristine kung bida or kontrabida ba siya sa serye basta aniya, malaki raw ang magiging parte niya sa buhay ni Diego.

    Magsisimula nang mapanood si Cristine sa Honesto this Wednesday. Samantala, after the Q and A portion ay nilinaw ng entertainment press kay Cristine kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya sa Gandang Gabi Vice na press release lang na break sila ni Derek Ramsay.

    “Joke lang ’yun. Kasi mapagbiro akong tao and hindi naman siguro kasi sanay ang mga tao na nakikita nila ako as me, Cristine Reyes na ako talaga. So hindi talaga alam ng mga tao na playful ako and mapagbiro. Kung alam lang nila kung gaano ako kakikay. Actually, tamed pa ’yung sa TV,” she said.

    So, break na talaga sila? “Okay, to clarify, para maniwala kayo, oo, nakakausap ko almost everyday (si Derek), si Rayver (Cruz, ex-boyfriend din niya), ganu’n din. Even si Rayver minsan, binibisita ko pa sa bahay nila.

    “So, alam mo ’yun? Hindi porke’t nakakausap ko pa ’yung ex ko, kami pa rin at tinatago ko ’to. It’s just that, I want to keep the friendship with them dahil hindi biro ’yung ilang taong pinagsamahan namin and ’yung friendship, bina-value ko ’yun,” pahayag ni AA (tawag kay Cristine).

    Sa ngayon daw ay wala raw siya talagang love life at wala pa raw siyang ini-entertain na suitors or nakaka-date na guy ulit.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here