CPP talo sa batikusan sa internet

    671
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Kung ang sukatan ng popularidad ng mga komunista sa bansa ay ang mga komento sa internet, talo na sila.

    Ito ay matapos ilathala ng Yahoo! Philippines sa kanilang website ang istorya na hinggil sa hindi pagsang-ayon ng mga rebelde sa tigil putukan kaugnay ng ika-38 taong anibersaryo ng National Democratic Front (NDF) ngayong araw (Linggo).

    Ang istoryang inilathala ng Yahoo!Phippines ay nagmula sa website ng GMA News TV.

    Sa loob ng unang 24 na oras, ang nasabing balita ay umani ng daan daang hindi magandang komento mula sa mga net users.

    Karaniwan sa mga komento ay patungkol sa karahasang hatid ng New People’s Army (NPA) at negatibong epekto ng komunismong kilusan sa ekonomiya at kaunlaran.

    Mayroon din mga nagkomento na pabor sa Communist Party of the Philippines (CPP), NDF at NPA, ngunit higit na marami ang hindi pabor sa kilusan.

    “Communism is a bankrupt ideology. CPP-NPA-NDF should go to Russia and Eastern Europe for them to see the evil of communism. It was proven that it’s a false ideology. It just made me so amaze of what are they fighting for,” ani ng isang user na nagpakilala bilang “Braveheartbulldog.”

    Ang komento ni “Braveheartbulldog” ay agad na umani ng 65 thumbs up sign at 26 na reply.
    Ang iba pang komentong hindi pabor na komento sa CPP-NPA-NDF ay umani ng katulad na pagtugon at pagsang-ayon.

    “Mga NPA kayo ang salot sa bayan. Gusto ninyo mag asenso pero ang tamad ninyo gusto lang mangikil. Sa mga bayan sino ang mag invest na negosyante kung wala pang operation ay mang hingi na kayo ng tax. Gusto ninyo ibasura ang oil deregulation law tapos ang bayan mag subsidy sa oil cost. Kayo di naman nagbabayad ng tax. Marami pa sana ako masabi tunkol sa inyo pero nakakapagod. Sana mamatay kayo lahat,” ani ng user na si “Concern Pinoys.”

    Ang komento ni ‘Concern Pinoys’ ay umani ng 36 na thumbs up, anim na thumbs down at pitong reply.

    Gayundin ang komento ni ‘Dating Rebelde’ na agad na umani ng 43 thumbs up, tatlong thumbs down, at anim na reply.

     Sa kabila naman ng maaanghang na komento mula sa mga net user, ay may roon ding nagpahayag ng pagpabor sa CPP/NPA/NDF.

    Isa sa kanila ay nagpakilala bilang “Roger Rosal Jr.,” na nagsaulat ng komentong, “38 years and counting! More victories to come mga dre! Mas maraming ambush mas maganda! pabor yan sa digma!”

    Binatikos din ni “Roger Rosal Jr.,” ang mga bumatikos sa CPP/NPA/NDF sa pagsasabing: “Kayong mga duwag na kunwari galit, kung hindi niyo kayang itago ang inyong takot sa kilusan, yan magcomment na lang kayo. Magbasa kayo ng mga history books against communist ideology.”

    Isa sa partikular na tinukoy niya ay isang net user na nagngangalang “Pundit.”

    “Pundit napakatapang mo, sana nag-PMA ka o kaya pumasok ka sa Army, at kapag may armas ka na, tsaka tayo magusap! puro ka satsat,” ani Roger Rosal Jr.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here