Home Headlines Covid sa Bataan: 839 kumpirmadong kaso

Covid sa Bataan: 839 kumpirmadong kaso

777
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa ang nadagdag na patay at umabot na sa 839 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan, ulat ni Gov. Albert Garcia nitong Linggo.

Ang pang-17 nasawi sa lalawigan sa pinangangambahang virus ay isang lalaki na 57taonggulang mula sa bayan ng Orion na batay sa report ng provincial health office ay may travel history.

Sinabi ng PHO na lumabas sa contact tracing na 18 sa 31 bagong kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid19.

Ang mga ito ay lima mula sa Limay, tig-tatlo sa Balanga City, Mariveles at Dinalupihan, dalawa sa Pilar at tig-iisa sa Hermosa at Orion. Kabilang sa 18 ang isang health worker sa Pilar at dalawang health worker sa Dinalupihan na pawang mga babae.

Ang iba pang bagong kumpirmadong kaso ay dalawa mula sa Limay, tig-tatlo sa Balanga City, Dinalupihan, at Mariveles at tig-iisa sa Abucay at Orion.

Umakyat naman sa 529 ang mga gumaling na matapos magtala ng 23 bagong nakarekober kabilang ang tatlong bata mula sa Mariveles – isang taong gulang at limang taong gulang na parehong lalaki, at anim na taong gulang na babae.

Ang iba pang bagong nakarekober ay siyam mula sa Mariveles, apat sa Dinalupihan, tatlo sa Limay, dalawa sa Abucay at tig-iisa sa Orion at Balanga City. Kasama sa mga ito ang dalawang senior citizen na 68-anyos na babae sa Limay at 80-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan.

Tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso sa 293.

Mula sa 13,113 na na-test sa Covid19, umabot na sa 12,121 ang nagnegatibo habang 153 ang naghihintay ng resulta, sabi ng PHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here