Home Headlines Covid-19 sa Zambales: Kumpirmadong kaso 65 na

Covid-19 sa Zambales: Kumpirmadong kaso 65 na

751
0
SHARE

IBA, Zambales — Pansamantalang isinara ang ilang establishments sa bayan ng San Narciso para sa gagawing disinfection matapos na makapagtala ng dalawang kaso ng Covid19 dito, samantalang isa naming kaso ang naitala sa bayan ng Cabangan.

Umabot na sa 65 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa buong Zambales.

Batay sa report ni provincial health officer Dr. Noel Bueno, ang pang63 na pasyente ay isang 45-anyos nalalaki mula Cabangan na namamasukan sa Olongapo City at sinundo papauwi noong Aug. 5 lulan ngtricycle. Siya ay nagkaroon ng lagnat, ubo at sipon, at nakaranas ng panghihina ng katawan kung kaya kaagad itong kumonsulta sa pribadong doktor sa Cabangan noong Aug. 6.

Ito ay ipinagbigay alam kaagad sa RHU ng Cabangan. Aug. 8 nang puntahan ito ng mga medical staff at dinala kaagad sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital upang i-admit, kinuhanan ng specimem upang suriin at batay sa resulta na ipinalabas ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital,positibo ito sa Covid-19.

Ang pang64 na pasyente ay 55-anyos na babae mula sa bayan ng San Narciso. Ito ay may travel history” noong July 30 sa City of San Fernando, Pampanga lulan ng pribadong sasakyan. Nitong Aug. 2, nagkaroon siya ng lagnat at noong Aug. 7, nawalan ang pasyente ng pangamoy
Dahil dito, boluntaryo siyang na nagpa-admit sa PRMMH noong Aug. 9, at kinuhanan ng specimen na batay sa resultang ipinalabas ng JBLMRH noong Aug. 12, positibo ito sa Covid-19.

Ang pang65 na pasyente ay 37-anyos na lalaki mula sa San Narciso na namamasukan bilang isangtechnician sa isang pribadong kumpanya sa Subic Bay Freeport. Siya ay na-exposed sa kanyang mgakasamahan na nagpositibo sa Covid-19.

Dahil dito, siya ya nagpasuri at sumailalim sa RT-PCR test  noong Aug. 12 at ayon sa resulta na ipinalabas ng Philippine Red Cross Molecular Laboratory  noong Aug. 13, ito ay positibo sa Covid-19.

Ang pasyente ay nasa mabuting kalagayan at walang anumang sintomas na nararamdaman  at nasa pangangalaga na ng PRRMH.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here