IBA, Zambales — Tatlong panibagong kasong nag-positibo sa Covid-19 ngayon araw, Mayo 5, 2020, ang naitala sa lalawigan ng Zambales.
Sa talaan ng Provincial Health Office ang mga nag-positibo ay isang 32–anyos na babaeng frontliner mula sa bayan ng San Narciso, isang 56–anyos na babae sa Botolan, at isang 55–anyos na lalaki sa bayan ng Iba.
Ang mga ito ay pawang walang “travel history” at sumailalim sa RTD testing at kinuhanan ng “specimen” pero lumalabas sa resulta ng pagsusuri noong May 3, na ang mga nasabing pasyente ay nag-positibo sa Covid-19 at ang mga ito ay naka admit na sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa bayang ito.
Naunan nang nakapagtala ang Zambales ng 13 kaso na nag-positobo sa Covid-19 at lima na dito ang naka-rekober, subalit nagdagdagan na naman ito ng panibagong tatlong kaso.
Samantala, sa Olongapo City naman, batay sa pinakahuling ulat ng City Health Office, siyam ang naitalang nag-positibo sa Covid-19, lima na dito ang naka-rekober, 75 ang suspected cases at zero ang nasa probable case.