Home Headlines Covid-19 sa Zambales: 6 bago sa 74 kabuuang kaso

Covid-19 sa Zambales: 6 bago sa 74 kabuuang kaso

533
0
SHARE

IBA, Zambales — Umakyat na sa 74 ang confirmed cases ng Covid-19 sa lalawigan matapos na magpositibo ang limang kawani ng isang kumpanya sa Barangay Bani, Masinloc at isa sa bayan ng Subic

Batay sa isinagawang contact tracing ng provincial health office, ang lima ay nakasalamuha ng katabaho nilang nauna nang nagpositibo sa Covid-19. Sila ay sumailalim sa RT-PCR test nitong August 14 at sa pinalabas na resulta ng Philippine Red Cross Molecular Laboratory sila ay positibo rin sa sakit.

Ang mga nasabing pasyente ay hindi lehitimong residente ng Barangay Bani dahil sila nagtatrabaho lamang sa nasabing bayan.Apat sa kanila ay mga lalaki na may edad 37, 47, 53, at 19. Ang kasama nilang babae ay 24-taong gulang ang edad.

Ang pasyente mula Subic ay 29-anyos na lalaki na namamasukan sa isang pribadong kumpanya sa Subic freeport.

Batay sa kanyang salaysay, siya ay nakaranas ng pagtatae na tumagal ng dalawang araw at panunuyo ng lalamunan noong July 29. Dahil dito, siya ay nagtungo sa PRC Molecular Laboratory para magpasuri noong August 7, at ayon sa resluta ng pagsusuri na inilabas, ito ay negatibo sa COVID-19.

Sumailalim uli ito sa RT-PCR test noong August 13,dahil sya ay may nakasalamuha na pasyente  na positibo sa Covid-19. Ayon sa resulta ng ikalawang pagsusuri noong August 15, siya positibo na sa Covid-19.

Ang pasyente ay nasa mabuting kalagayan at nasa pangangalaga ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Iba, Zambales.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here