IBA, Zambales — Kinumpirma ni provincial health officer Dr. Noel Bueno na 56 na suspect cases sa Covid-19 sa lalawigan ang nag negatibo na.
Ang mga ito ay nauna nang nag reactive matapos sumailalim sa Rapid Diagnostic Test at na-admit sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital at binigyan ng paunang lunas at atensyon medikal.
Batay sa ipinalabas na resulta noong June 11, ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital, ang mga nasabing suspect cases ay nagnegatibo sa Covid-19.
Lahat sila ay nasa mabuting kalagayan at pinauwi na sa kani-kanilang tahanan.
Laging paalala ni Bueno sa mamamayan na sumunod sa alituntunin ng ating pamahalaan upang makaiwas sa Covid-19.