Home Headlines Covid-19 sa Zambales: 5 bagong kaso

Covid-19 sa Zambales: 5 bagong kaso

693
0
SHARE

IBA, Zambales Limang bagong kaso ng coronavirus disease ang naitala sa lalawigan nitong Miyerkules, kabilang na ang pinakauna sa bayan ng Masinloc na may limang buwan ding nagging Covid-free.

Dahil dito, umakyat na sa 45 ang kabuuang bilang ngkaso ng Covid-19 sa Zambales, ayon sa ulat niu provincial health officer Dr. Noel Bueno.

Ang pang-41 pasyente ay isang 45-anyos na lalaki mula sa Castillejos na may travel history sa Maynila lulan ng pribadong sasakyan upang ayusin ang kanyang mga papeles. Siya ay tatlong beses sumailalim sa Rapid Diagnostic Test noong June 2, kung saan siya ay unang nagnegatibo, ngunit sa ikatlong pagsusuri noong July 15, siya ay lgM reactive.

Kinuhananan ito ng specimen para sa confirmatory testnoong July 20, at ayon sa resulta na ipinalabas ng Detoxicare Molecular Diagnostic Laboratory noong July 22, ang pasyente ay positibo sa COVID 19.

Ang pang-42 ay isang 42-anyos na babae mula sa Botolan. Ayon sa kanyang travel history, siya ay lumuwas sa lungsod Quezon noong April, at namasukan bilang kasambahay. Noong May, siya ay pinahinto ng amo kaya nagpagala-gala ito sa Maynila hanggang sa magawi ng Barangay 184 sa Pasay City kung saan siya nahuli at nanatili sa nasabing barangay ng may mahigit na isang buwan.

Siya ay nakauwi sa Botolan noong July 6, at agaran itong dinala sa quarantine facility. Bagamat walang sintomas, sumailalim ito sa Rapid Diagnostic Test noong July 13, at ayon sa resulta ng pagsususri siya ay lgM at lgG reactive. Kinuhanan ito ng specimen para sa confirmatory test noong July 20, na nagresulta sa kanyang pagka-positibo sa sakit.

Ang pang-43 pasyente ay isang 18-anyos na lalaki mula sa lungsod ng Caloocan. Siya ay isang locally stranded individual na lumuwas ng Zambales para magtrabaho.

Siya ay umalis ng Caloocan noong July 13, nagtungo sa Barit, Candaba, Pampanga at muling nagtungo ng Zambales noong July 14 lulan ng pribadong sasakyan. Ang nasabing pasyente ay kinuha ng mga medical staff ng rural health unit ng Cabangan para dalhin sa quarantine facility noong July 15.

Bagamat walang sintomas, siya ay sumailalim sa Rapid Diagnostic Test  noong July 18: ang resulta, siya ay lgM at lgG reactive. Muli itong kinuhanan ng specimen para sa confirmatory test noong July 20, at ayon sa resulta na ipinalabas ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital noong July 22, ito ay positibo sa Covid-19.

Ang pang-44 na pasyente ay isang 40anyos na lalaki mula sa Masinloc, ang nagiisang bayan sa Zambales na Covid-free sa nakalipas na limang buwan.

Batay sa kanyang travel history, ang pasyente ay galing ng Norzagaray, Bulacan at umuwi ng Masinloc noong March 14 at nagpalipat-lipat ito ng barangay upang tulungan ang tatay na karpintero. Siya ay nakatanggap ng tawag sa pinapasukan nitong trabaho sa Maynila kung kaya nagtungo ito sa Candelaria District Hospital upang sumailalim sa Rapid Diagnostic Test noong July 20, at napagalaman na siya ay lgM reactive. Muli itong kinuhanan ng specimen para sa confirmatory test at batay sa resulta na ipinalabas ng JBLMRH noong July 22, positibo ito sa Covid-19.

Ang pang-45 na pasyente ay isang 24anyos na babae mula sa Botolan. Batay sa travel history nito, galing ng lungsod Quezon, umuwi sa Botolan noong July 12, at agarang dinala sa quarantine facility.

Bagamat walang sintomas, siya ay sumailalim sa Rapid Diagnostic Test noong July 18, at ang reslulta siya ay lgM reactive. Muli itong kinuhanan ng specimen para sa confirmatory test noong July 20, at ayon sa resulta na ipinalabas ng JBLMRH noong July 22, positibo ito sa Covid-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here