Home Headlines Covid-19 sa Zambales: 36 kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Zambales: 36 kumpirmadong kaso

742
0
SHARE

IBA, Zambales — Umakyat na sa 36 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 sa Zambales.

Ito ang iniulat ni provincial health officer Dr. Noel Bueno matapos maitala ang pinakabagong kaso nitong Miyerkules na isang 16-anyos na lalaki mula sa bayan ng Candelaria. Ang pasyente ay walang travel historyat nakaranas ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghingaat ubo.

Nauna itong na-admit sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital noong January 10 hanggang 13 at batay sa medical record siya ay mayroong acute glomerulonephritis.

Muling na-admit ang pasyente sa PRMMH noong July 9, at ayon sa resulta ng pagsusuri siya ay mayroong bilateral pulmonary edema at pneumonia. Ang pasyente ay kinuhanan ng specimen para suriin sa Covid-19 noong July 10 at ayon sa resulta na inilabas ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital noong July 11, siya ay nagnegatibo sa sakit.

Dahil sa kumplikadong kalagayan, ang pasyente ay inilipat sa Allied Care Experts Medical Center-Baypointe noong July 10 at ay muling kinuhanan ng specimen noong July 11, at ayon sa resulta na inilabas ng Detoxicare Molecular Diagnostic Labotatory noong July 14, siya ay nagpositibo sa Covid-19.

Ang pasyente ay kasalukuyang sumasailalim sa dialysis sa nasabing pagamutan.

Laging paalaala ng Zambales PHO ang patuloy na pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan laban sa Covid-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here