IBA, Zambales – Umaabot sa 20 katao ang nadagdag sa talaan ng bagong kaso ng coronavirus diseases sa Zambales nito lamang Miyerkoles.
Batay sa ulat ni provincial health officer Dr. Noel Bueno, kinabibilangan ng mga pribadong empleyado, kawani ng gobyerno at pampublikong paaralan ang napasama sa bagong talaan ng mga nagpositibo sa Covid-19.
Napag alaman na 15 sa 20 bagong kaso ay residente ng mga bayan ng Iba, Botolan, Palauig, Subic, at San Antonio na pawang walang travel history.
Ayon pa kay Bueno ang kanilang ulat ay base sa salaysay ng mga pasyente sa kanilang case investigation form at resulta ng pagsusuring isinagawa ng DOH accredited Covid-19 testing center.
Nasa pangangalaga na ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang mga pasyente at sumailalim sa masusing obserbasyon at gamutan.
Sa kabuuan nasa 1,010 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Zambales na may 58 na aktibong kaso, 928 total recoveries at 66 naman ang nasawi.