Home Headlines Covid-19 sa Zambales: 2 bagong kaso

Covid-19 sa Zambales: 2 bagong kaso

666
0
SHARE

IBA, Zambales — Pagkalipas ng dalawang araw, panibagong dalawang kaso ng Covid-19 ang muling naidagdag sa talaan ng Zambales.

Ang mag bagong pasyente ay isang 25-anyos na binatamula sa bayan ng San Antonio, at isang 45-anyos na lalaki mula sa bayan ng Botolan.

Ayon sa ulat ni provincial health officer Dr. Noel Bueno. ang pasyente mula sa San Antonio ay may travel history: galing sa Cebu at lumuwas ng Maynila noong July 13.

Wala itong anumang sintomas at kinuhanan ng specimen upang suriin. Sa lumabas naresulta mula sa Philippine National Red Cross Molecular Laboratory noong July 15, 2020 siya ay nagpositibo sa Covid-19.

Batay sa travel history naman ng pasyente mula saBotolan, siya ay nagtungo sa Maynila at Parañaque noong July 9 hanggang July 16 upang ayusin ang kanyang mga papeles at kanyang physical at medical examination.

Bagamat walang sintomas, siya ay kinuhanan ng specimen at ayon sa resulta ng kanyang pagsusuri na ipinalabas ng Chinese General Hospital and Medical Center Institute of Pathology noong July 15 siya ay nagpositibo sa Covid-19.

Ang dalawang pasyente ay nasa pangangalaga na ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 38 kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa probinsya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here