LUNGSOD NG OLONGAPO — Umakyat na sa 623 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng coronavirus disease dito matapos madagdag nitong Martes ang bagong 12 nagpositibo.
Dalawampu naman ang naitalang naka-recover kahapon matapos ang striktong isolation sa kani-kanilang mga tahanan, mga hospital at sa quarantine facilities, na nag-akyat sa kabbuang bilang ng recoveries sa 404.
Batay sa Covid-19 update kahapon na ipinalabas ni city task force chairman Mayor Rolen Paulino Jr., ang mga bagong kumpirmadong kaso ay: tig-dadalawa sa barangay Sta. Rita, Asinan, East Tapinac, at West Bajac-Bajac; at tig-iisa sa Banicain, Mabayuan, Gordon Heights, at East Bajac-Bajac.
Sa kasalukuyan, may 196 active cases, 23 pumanaw na, 81 suspected cases, at isang probable case sa lungsod, dagdag pa ni Paulino.