LUNGSOD NG OLONGAPO — Pumalo na sa 346 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease dito matapos madagdag ang 31 panibagong nagpositibo sa virus nitong Huwebes.
Iniulat ni Mayor Rolen Paulino Jr. na karamihan sa mga bagong kaso ay naging mga close contact ng mga naunang pasyente.
Apat sa bagong kaso ay mga menor de edad: 6–anyos na babae mula Barangay East Tapinac, 8–anyos na lalaki mula Barangay Old Cabalan, 10–anyos na babae mula Barangay Kalaklan, at 13–anyos na lalaki mula Barangay Sta Rita.
Mula sa Barangay Kalaklan ay dalawa pang lalaki naedad 42 at 24, at 42-anyos na babae. Dalawa naman sa Barangay Sta Rita na pawang mga lalaki na nasa edad na 36, at 56.
Apat naman ang mula sa Barangay Barretto na mga babaing may mga edad na 22, 27, at 59, at isang 24–anyos na lalaki.
Sa Barangay East Tapinac ay dalawang babae na edad 23 at 30.
Sa Barangay West Bajac-Bajac, isang 54-anyos na babae at dalawang lalaking edad 31 at 56.
Sa Barangay West Tapinac, dalawang babaeng edad 23 at 52.
Sa Barangay Barangay Banicain, dalawang babaeng edad 19 at 40.
Sa Barangay New Kababae isang 34 taong gulang na lalaki.
Sa Barangay Gordon Heights, tatlong lalaking edad 34, 23, at 37.
Isang 34-anyos na lalaki mula sa Barangay New Kalalake, at isang 49-anyos na babae sa Barangay New Cabalan.
Apat na senior citizens din ang kabilang sa mga bagong kaso: 69–anyos na lalaki at 68-anyos na babaemula Barangay Old Cabalan, 77-anyos na babae mula Barangay East Tapinac, at 86-anyos na babae mula Barangay Pag-Asa.
Umabot naman sa bilang na 150 ang active cases, 182 recoveries, 23 suspect cases at 14 ang pumanaw na.