Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 7 bagong positive cases

Covid-19 sa Bulacan: 7 bagong positive cases

733
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Pito ang naidagdag sa mga kaso ng nagpositibo sa coronavirus sa Bulacanbatay sa pinakahuling talaan ng provincial health office.

Ayon sa ulat, umakyat na sa 203 ang nagpositibo sa kaso ng Covid-19 matapos madagdag sa listahan ang pitong kaso na isang 31-anyos na babae mula sa bayan ng Plaridel; 42-anyos na babae mula sa Balagtas; 49-anyos na lalaki mula sa Marilao; 31-anyos na babae, 80-anyos na babae, at 33-anyos na lalaki na mga mula Malolos; at 29anyos na babae mula sa Bulakan.

Samantala, isang 75-anyos naman na babae mula sa bayan ng Obando ang nakarekober sa naturang sakit.

Kayat pumalo naman sa 86 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa naturang virus sa buong lalawigan.

Nasa 31 naman ang naitala nang mga nasawi sa virus at sa ngayon ay dalawa ang probable Covid case at 1,519 ang active suspect case.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here