Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 100 confirmed cases, 22 na ang patay

Covid-19 sa Bulacan: 100 confirmed cases, 22 na ang patay

1125
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa 100 ang bilang ng confirmed cases ng coronavirus disease sa Bulacan habang 22 naman na ang namatay at isa ang naidagdag bilang recovered case.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Health Office, 26 ang naidagdag na confirmed case.

Mula San Jose del Monte: isang 58-anyos na lalake, isang 23-anyos na babae (PH4848), isang 28-anyos na lalake (PH4117), isang 68-anyos na babae (PH3475), at isang 67 anyos na babae (PH2542).

Mula sa Marilao: isang 61-anyos na lalake (PH5243), isang 32-anyos na lalake (PH4311), isang 47-anyos na babae (PH4140), isang 25-anyos na babae (PH4169), at isang 57-anyos na lalake (PH2950).

Mula sa Malolos: isang 48-anyos na babae, isang 37anyos na babae (PH4497), isang 56-anyos na lalake (PH4412) at isang 83-anyos na babae (PH1208).

Mula sa Balagtas: isang 23-anyos na lalake (PH5430),at isang 27-anyos na lalake (PH1541).

Mula sa Meycauayan: isang 33-anyos na lalake (PH4828), at isang 67-anyos na babae (PH4656).

Mula sa Baliwag: isang 35-anyos na babae at isang 34-anyos na babae (PH4172).

Mula Angat: isang 23-anyos na lalake (PH4514).

Mula Bulakan: isang 29-anyos na babae (PH5654)

Mula Guiguinto: isang 50-anyos na lalake (PH4648).

Mula Pandi: isang 39-anyos na lalake (PH5072).

Mula Paombong: isang 38-anyos na babae (PH4369).

Mula San Rafael: isang 59anyos na babae (PH1079).

Habang patay naman ang isang 61-anyos na lalake mula sa Marilao na si PH5243 kayat umakyat na sa 22 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa lalawigan dahil sa coronavirus.

Naidagdag naman sa listahan ng recovered cases si PH99 matapos una nang maitala na mga nakerekober na sina PH 21 mula sa San Jose Del Monte, PH413 mula sa Bulakan, at si Baliwag Mayor Ferdie Estrella (PH152).

Habang may 93 naman na probable cases at 312 suspect cases ng Covid-19 ang lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here