Home Headlines Covid-19 sa Bataan: OFW bagong kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Bataan: OFW bagong kumpirmadong kaso

653
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ng provincial health office Miyerkules ng gabi na isang overseas Filipino worker ang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Dahil sa pangyayari, umakyat sa 167 ang kabuuang bilang ng confirmed Covid -19 cases sa lalawigan, ayon sa ulat. Ang naturang OFW ay 35-anyos mula sa lungsod na ito.

Sa kabuuan, 141 pa rin ang nakarecover na habang ang bilang ng mga active cases ay 16 at 10 ang pumanaw na.

Nasa 153 ang naghihintay ng resulta ng test, 3,103 ang nagnegatibo na at 83 ang bilang ng mga bagong natest sa lalawigan.

Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 3,423 na ang natest sa Bataan, sabi ng PHO.

Muli, manatili lamang ang lahat sa inyong mga tahanan at ibayong pag-iingat pa rin upang hindi na dumami pa ang kaso sa lalawigan, panawagan ng PHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here