Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso pumalona sa 460

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso pumalona sa 460

592
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 460 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos madagdag ang 17 bagong pasyente, sabi sa ulat ngayong Huwebes ni Gov. Albert Garcia.

Sa huling ulat ng provincial health office Miyerkules ng hapon, lumabas sa contract tracing na lima sa mga bagong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mganauna nang nagpositibo sa Covid-19.

Ang mga ito ay isang 61-anyos, 47-anyos, at 48-anyos, pawang babae mula sa Mariveles; isang 15-anyos na lalaki mula sa Orion, at 65-anyos na lalaki mula sa Orani.

Isa sa mga nagpositibo ay ang 23-anyos na lalaki mula sa Pilar na outpatient habang dalawang iba pa ang parehong in-patient sa ospital sa lalawigan. Sila ay isang 28-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan, at 29-anyos na babae mula sa Balanga City.

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay isang 52-anyos, 65-anyos, 32-anyos, 23-anyos, 58-anyos at 17-anyos na mga lalaki mula sa Dinalupihan; isang 45-anyos na lalaki mula sa Samal; at 45-anyos na babaeng healthworker at 39-anyos na babae na may travel history, parehong mula sa Limay.

Samantala, tumaas sa 272 ang bilang ng mga nakarekober na matapos lima ang gumaling sa mapanganib na virus.

Sila ay isang 56-anyos at 36-anyos, kapwa lalaki, mula sa Mariveles at 31-anyos na lalaki, 8-anyos na babaeat 22-anyos na lalaki, lahat mula sa Limay.

Ang bilang ng aktibong kaso ay 175 habang nananatili sa 13 ang mga pumanaw na.

Sa kabuuang bilang na 8,699 na sumailalim sa Covid-19 test, 7,840 ang nagnegatibo na at 399 ang naghihintay pa ng resulta ng pagsusuri.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here