Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso lampas na sa 1,000

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso lampas na sa 1,000

4375
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Pumalo na sa 1,008 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan nang madagdag ang 36 na bagong kaso, ayon sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Sinabi ng governor na lumabas sa contact tracing na 27 sa 36 ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19.

Ang mga ito ay 10 sa Mariveles, tig-lima sa Pilar at Balanga City, tatlo sa Limay, dalawa sa Dinalupihan, at tig-isa sa Orion at Samal.

Kabilang dito ang tatlong kabataan  isang 18-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan; 13-anyos at 16-anyos, kapwa babae mula sa Mariveles; at 11-anyos na babae mula sa Balanga City.

Kasama rin ang tatlong senior citizen na isang 92-anyos na lalaki mula sa Samal, 71-anyos na lalaki mula sa Mariveles, at 61-anyos na lalaki mula sa Balanga City.

Apat pa sa mga bagong kumpirmadong kaso ay may travel history: isang 36-anyos na babaeng locally stranded individual mula sa Bagac; 24-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan, at 41-anyos na lalaki mula sa Limay, parehong overseas Filipino worker; at isang 21-anyos na lalaking authorized person outside residence mula sa Balanga City.

Ang iba pang bagong kaso ay apat mula sa Mariveles at isa sa Balanga City.

Umakyat naman sa 582 ang bilang ng mga nakarekober na sa mapanganib na virus matapos magtala ng panibagong 14. Ang mga ito ay tig-lima mula sa Dinalupihan at Balanga City, tatlo mula sa Marivelesat isa mula sa Bagac.

Kabilang sa kanila ang dalawang kabataan na isang 10-anyos na lalaki at anim na taong gulang na babae, kapwa mula sa Balanga City at isang senior citizen na 72-anyos na babae mula sa Dinalupihan.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay tumaas sa 407 habang nananatiling 19 ang mga pumanaw na.

Mula sa 14,106 na sumailalaim na sa Covid-19 test, 12,938 ang nagnegatibo na at 160 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here