Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 559 na

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 559 na

551
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 559 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos may maitalang 18 bagong pasyente, sabi sa ulat ngayong Sabado ni Gov. Albert Garcia.

Ayon sa governor, lumabas sa isinagawang contact tracing na 15 sa mga bagong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa virus.

Ang mga ito ay siyam mula sa Balanga City, tatlo sa Abucay, dalawa sa Hermosa, at isa sa Mariveles.

Kabilang sa mga ito ang tatlong bata na 11-anyos na lalaki mula sa Abucay, 14-anyos at 9-anyos parehong lalaki mula sa Balanga City.

Ang iba pa sa mga bagong kumpirmadong kaso ay tig-iisa mula sa Dinalupihan, Balanga City at Bagac. Ang sa Dinalupihan ay isang in-patient sa ospital sa labas ng Bataan, ang sa Balanga ay may travel history sa ParaƱaque, at ang sa Bagac ay may travel history sa Manila.

Umakyat naman sa 346 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober dahil may 11 bagong gumaling sa mapanganib na virus. Ang mga ito ay 10 sa mula sa Abucay at isa mula sa Orion.

Kasama sa mga bagong nakarekober ang limang bata na 4-anyos na lalaki, 9-anyos na babae, 3-anyos na babae, 7-anyos na babae, at 6-anyos na lalaki, lahat pawang mula sa Abucay.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 198 habang nananatiling 15 ang mga nasawi na sa Covid-19 sa Bataan.

Ayon sa provincial health office, mayroon nang 9,188 ang nagnegatibo at 264 ang naghihintay pa ng resulta mula sa 10,011 na sumailalim na sa pagsusuri.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here