Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Health worker bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: Health worker bagong kaso

675
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia Lunes ng tanghali na batay sa tala ng provincial health office, isang health worker ang bagong kaso ng coronavirus sa Bataan.

Ang pasyente na nasuring may Covid-19 ay isang babae mula sa bayan ng Orani na 32taonggulang.

Sa pagkakadagdag ng isa, umakyat sa 172 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng positibo sa virussa lalawigan, sabi ng gubernador.

Sampu ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19, 152 ang naka-rekober at 10 naman ang pumanaw.

Samatala, sinabi ni PHO chief Dr. Rosanna Buccahan, na mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan, 3,730 na ang sumailalim sa lab test sa virus sa lalawigan.

Nasa 147 umano ang naghihintay ng resulta ng test samantalang 3,411 ang nag-negatibo na, kabilang ang 125 na bago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here