Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Bagong kumpirmadong kaso biglang lumobo

Covid-19 sa Bataan: Bagong kumpirmadong kaso biglang lumobo

698
0
SHARE

PHO chief Dr. Rosanna Buccahan sa kanyang pagtanggap sa mga bakuna mula sa DOH. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Sa huling ulat ng provincial health office noong Miyerkules na inilabas ngayong Huwebes, biglang lumobo ang bilang ng natalang mga bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan na umabot sa 39, pinakamataas simula noong Enero 1, 2021.

Umakyat sa 143 ang bilang ng mga aktibong kaso at tumaas sa 95 ang mga pumanaw matapos magkaroon ng isang bagong nasawi na isang apat na buwang sanggol na lalaki mula sa Balanga City.

Ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo ay umabot sa 4,103 dahil sa nadagdag na 39 bagong kumpirmadong kaso na ang 10 ay mula sa Bagac, pito sa Balanga City, apat sa Hermosa, tig-tatlo sa Limay, Samal at Orani, tig-dalawa sa Pilar, Abucay at Mariveles at tig-isa sa Morong, Orion at Dinalupihan.

Kabilang sa mga bagong nagpositibo ang tatlong bata – 3-anyos na babae sa Bagac, 3-anyos na lalaki sa Hermosa, at 10-anyos na lalaki sa Morong.

Isa lamang ang bagong nakarekober na  29-anyos na lalaki mula sa Pilar na nagpataas sa kabuuang bilang nitong 3,865.

Samantala, 3,863 na medical frontliners ang nabakunahan sa simula noong ika-8 ng Marso, 2021. Ito ay mula sa 6,215 vaccine doses na kaloob ng national government.

Sinabi ni PHO chief Dr. Rosanna Buccahan na nitong nakalipas na mga araw ay bumababa na sana ang bilang ng mga nagpopositibo na may mga araw pa ngang zero confirmed case pa.

“Maraming nagkakahawahan kaya sana maging maingat tayo at mahigpit na sundin ang mga health and safety protocols,” sabi nina Dr. Buccahan at Gov. Albert Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here