Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 82-anyos, 3 iba pa bagong nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 82-anyos, 3 iba pa bagong nakarekober

745
0
SHARE

Si Gov. Albert Garcia sa kanyang ocular inspection sa Morong backdoor road project. Contributed photo



LUNGSOD
NG BALANGA — Sa pinakahuling ulat ng provincial health office, apat ang bagong nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan na ang isa ay 82-anyos samantalang tatlo naman ang bagong nagpositibo sa mapanganib na sakit, sabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Huwebes.

Sa mga bagong nakarekober ay kabilang ang matandang lalaki mula sa bayan ng Hermosa, at ang tatlo ay galing sa Abucay, Balanga City, at Orani.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 46-anyos na lalaking overseas Filipino worker mula sa Dinalupihan, 22-anyos na babaing OFW sa Mariveles,at 31-anyos na babae mula sa Orion.

Dahil sa mga nadagdag, umakyat sa 3,641 ang kabuuang bilang ng mga naka-rekober at sa 3,783 naman ang mga kumpirmadong kaso.

Bumaba sa 58 ang mga aktibong kaso o hindi pa gumagaling habang nananatili sa 84 ang mga nasawi na.

Sa ulat ng PHO, umabot na sa 43,675 ang mga sumailalim sa Covid19 test na ang 39,8328 ay nagnegatibo.

Samantala, sinabi ng governor na sa gitna ng pandemya ay patuloy pa rin ang mga proyektong pang-imprastraktura na itinuturing niyang mahalaga para sa kaunlaran ng lalawigan.

Noong isang araw, kasama si Morong mayor Cynthia Estanislao at mga tauhan ng provincial engineer’s office, nagsagawa si Garcia ng ocular inspection sa Phase 2 ng Morong backdoor road project.

Ang kalsadang ito ang nag-uugnay sa Morong at sa Subic Bay Freeport Zone.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here