Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 8 nakarekober, 1 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 8 nakarekober, 1 bagong kaso

721
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Ipinahayag ni Gov. Albert Garcia ngayong Martes na umabot na sa 214 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan matapos gumaling ang walo pang pasyente.

Walang ibang detalye ang ibinigay ng provincial health office tungkol sa mga bagong nakarekober.

Sinabi ng governor na batay sa huling ulat ng PHO, umakyat naman sa 276 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa Covid-19 sa lalawigan nang may isang bagong nadagdag na nagpositibo sa mapanganib na virus.

Ang bagong kumpirmadong kaso ay isang 31-anyos na lalaki mula sa lungsod na ito, ayon sa PHO report.

Dahil sa pangyayari, tumaas sa 52 ang mga aktibong kaso o hindi pa gumagaling sa Covid-19 sa lalawigan.

Nananatiling 10 pa rin ang bilang ng mga pumanaw.

Ayon sa PHO, may 6,634 na ang kabuuan ng mga indibidual na sumailalim sa Covid-19 test sa Bataan. Mula sa bilang na ito, 168 ang naghihintay ng resulta samantalang 6,190 ang nagnegatibo na.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19, patuloy ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng face mask at magobserve ng physical distancing na isang metro,” patuloy na paalaala ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here