Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 708 kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Bataan: 708 kumpirmadong kaso

789
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 708 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos may madagdag na anim na bago, ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules.

Ayon sa governor, lumabas sa contact tracing na apat sa anim na bagong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19.

Ang mga ito ay isang 24-anyos na lalaking health worker mula sa Dinalupihan, at 21-anyos na lalaki, 25-anyos na lalaki at 46-anyos na babae, lahat mula sa Limay.

Ang iba pang bagong nagpositibo sa virus ay isang 34-anyos na lalaki mula sa Balanga City at 25-anyos na babae mula sa Mariveles na in-patient sa isang ospital sa Bataan.

Sinabi ng provincial health office, na umakyat naman sa 449 ang bilang ng nakarekober na. Ang anim na bagong gumaling ay isang 30-anyos, 12-anyos at 58-anyos, lahat babae mula sa Hermosa; 31-anyos na lalaki mula sa Abucay, 36-anyos na lalaki mula sa Orion at 38-anyos na lalaki mula sa Balanga City.

Ang bilang umano ng aktibong kaso ay 243 habang nananatiling 16 ang mga nasawi na.

Mula sa 11,729 na sumailalim sa Covid-19 test, 10,870 ang nagnegatibo na at 151 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here