Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 7 bagong kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Bataan: 7 bagong kumpirmadong kaso

607
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia Huwebes ng hapon na nakapagtala ang Bataan ng pitong bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease.

Sinabi ng governor na pumalo na sa 272 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa lalawigan na ang 78 ay aktibong kaso o mga pasyenteng hindi pa gumagaling.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay tatlo mula sa Mariveles, tatlo sa Abucay at isa sa bayan ng Limay.

Ang mga ito ay isang 19-anyos na babae, 75-anyos na babae, at 22-anyos na lalaki, lahat mula sa Mariveles; isang 34-anyos na lalaki, 35-anyos na lalaki, at 26-anyos na babae na pawang mula sa Abucay; at isang 38-anyos na babae mula sa Limay.

Sa kabuuan, nananatiling 184 ang bilang ng mga naka-recover habang 10 ang pumanaw na.

Ayon sa provincial health office, nasa 209 ang naghihintay ng resulta ng test samantalang 5,649 ang nagnegatibo na mula sa kabuuang 6,130 na indibidual na sumailalim sa Covid-19 test.

Patuloy naman ang paalaala ni Garcia na laging sundin ang mga safety protocol upang hindi na kumalat ang mapanganib na virus sa Bataan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here