Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 7 bagong kaso, 22 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 7 bagong kaso, 22 nakarekober

590
0
SHARE

Ibayong de-kalidad na serbisyo publiko ang pangako nina Gov. Abet Garcia at Vice-Gov. Cris Garcia. Contributed photo



LUNGSOD
NG BALANGA — Nagtala ang Bataan ng 22 bagong nakarekober sa coronavirus disease at pito namang bagong kumpirmadong kaso, sabi ngayong Martes ng gabi ni Gov. Albert Garcia.

Umusad sa 2,872 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at sa 3,157 ang mga nagpositibo sa mapanganib na virus na ang 219 ay aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling.

Nananatili sa 66 ang bilang ng mga pumanaw na.

Ang bagong gumaling o nakarekober ay siyam mula sa Limay, lima sa Orani, apat sa Samal, dalawa sa Dinalupihan, at tig-isa sa Balanga City at Abucay.

Kabilang sa mga bagong gumaling ang tatlong bata 9-anyos na babae at 2-anyos at 11-anyos na parehong lalaki sa Limay at apat na senior citizen – 61-anyos na babae at 68-anyos na lalaki sa Limay, 80-anyos at 84-anyos na kapwa babae sa Orani.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay tatlo mula sa Morong, dalawa sa Mariveles, at tig-isa sa Limay at Balanga City. Ang pinakabata ay anim na taong gulang at ang pinakamatanda ay 65 taong gulang.

Umabot na sa 34,422 ang natest sa Covid19 na ang 31,038 ay nagnegatibo na habang 227 ang naghihintay pa ng resulta.

Samantala, masayang ibinalita ng governor na aprubado na nitong Martes ng sangguniang panlalawigan ang budget ng pamahalaang panlalawigan para sa taong 2021.

Pinasalamatan niya si Vice-Gov. Cris Garcia at ang mga miyembro ng SP sa maagap na pagpasa ng budget.

“Makaaasa ang bawat isa na lalo pa nating pag-iibayuhin ang paghahatid ng de kalidad na serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Bataan,” sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here