Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 62 nakarekober, 1 nasawi

Covid-19 sa Bataan: 62 nakarekober, 1 nasawi

552
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa ang panibagong namatay samantalang 62 ang bagong nakarekober na nagpataas sa 938 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa coronavirus disease 2019 sa Bataan, ayon sa ulat nitong Huwebes ni Gov. Albert Garcia.

Ang pang-27 nasawi sa Covid19 sa lalawigan ay isang 32-anyos na babae mula sa bayan ng Orion.

Ang mga bagong nakarekober ay 38 mula sa Mariveles, 10 sa Balanga City, tig-aapat sa Samal at Pilar, tatlo sa Limay, at dalawa sa Hermosa.

Kabilang sa mga gumaling ang isang 92-anyos na lalaki mula sa Samal at dalawang bata – 10 taong gulang na babae sa Balanga City at limang taong gulang na lalaki mula sa Mariveles.

Umabot naman sa 1,818 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 matapos magtala ng bagong 32 kaso na ang 19 ay mula sa Mariveles, anim sa Orion, tatlo sa Balanga City, at tig-dadalawa sa Limay at Abucay.

Lumabas sa pagsusuri na ang 19 na bagong kaso ay nagkaroon ng close contact o nagkaroon ng exposure sa mga nauna nang nagpositibo sa virus. Ang mga ito ay 10 sa Mariveles, lima sa Orion, dalawa sa Abucayat tig-iisa sa Limay at Balanga City.

Ang iba pa sa mga bagong kaso ay siyam sa Mariveles, dalawa sa Balanga City at tig-iisa sa Limay at Orion. Tatlo sa mga ito ay babaing health worker – dalawa sa Mariveles at isa mula sa Limay.

Ang kabuuang bilang ng active cases o ang mga pasyenteng hindi pa gumagaling sa Covid19 ay 853 at lahat sila ay naka isolate na, sabi ng provincial health office.

Sa 18,353 na sumalang sa  Covid19 test, 16,072 ang nagnegatibo na at 463 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here